Powered By Blogger

Mga Sikat na Destinasyon sa Pilipinas



Ang Pilipinas ay kilala sa pagkakaroon nito ng mga likas na yaman na talaga namang napakaganda at maipagmamalaki sa ibang bansa kung kaya naman maraming dayuhan ang ninanais na magpunta sa Pilipinas. Karamihan din sa mga lugar sa Pilipinas ay naparangalan na o yung masasabi nating may titulo na tulad ng Puerto Princesa Subterranean River National Park na matatagpuan sa Palawan na isa sa mga nabigyan ng titulo noong 2011 na isa sa pito sa pinakamagandang tanawin sa buong mundo. Talaga namang kahanga-hanga ang mapabilang ang Pilipinas sa listahan ng mga naparangalan. 


Ito ang ilan sa mga magagandang tanawin at sikat na destinasyon na makikita sa Pilipinas.

Boracay
Ang Boracay ay kinikilala na ngayon na isa sa mga pinakadinarayong lugar sa bansa ng mga lokal o foreigner. Ito ay matatagpuan sa rehiyon ng Visayas. Ang lugar ay nababalutan ng mga puting buhangin, mabeberdeng puno, at maasul at malinis na dagat. Ito rin ay kilala sa pagkakaroon ng mga disco, bars, at mga larong pantubig. 


Bulkang Pinatubo
Ang Pinatubo ay kilala sa angking ganda nito ngunit ito rin ay nakilala taong 1990s na kung saan ito'y nakapagdala ng higit na purwisyo sa ating bansa dahil na rin sa pagputok ng bulkang ito.

Intramuros
Ang Intramuros ay makikita sa lugar ng Maynila. Ito ay kilala noong panahon pa ng mga Kastila dahil ito ay nagsisilbing landmark ng mga Espanyol. Sa lugar na ito rin makikita ang mga museums kung saan makikita ang iba't ibang gamit o bagay noong 1950s.

Camp John Hay
Itong Camp John Hay ay matatagpuan sa lugar ng Baguio kung saan ay tinaguriang summer capital ng Pilipinas. Itong lugar ay kadalasang pinupuntahan ng mga turista upang mag-golf, camping, at horseback riding. 

Bulkang Apo
Itong Apo ay matatagpuan sa lugar ng Davao at dito rin sa lugar na ito matatagpuan ang ating pambansang ibon na kung saan ay tinaguriang pinakamalaking agila sa buong mundo. 

Palawan
Ang Palawan ay kilala sa pagkakaroon ng mga malalaking kuweba at gubat. Makikita rin ang ganda at kalinisang taglay ng dagat nito kung saan napapaligiran ng mga kuweba at kagubatan.

Dapitan
Itong Dapitan ay matatagpuan sa lugar ng Zamboanga. Ito ay pamilyar sa maraming Filipino sapagkat dito ipiniit ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. 
Ito rin ay kilala sa pagkakaroon ng mga puting buhangin tulad ng Boracay na kung saan ay tinawag na Dakak. 

Surigao
Ang Siargao ay matatagpuan sa lugar ng Surigao. Ito ay isa sa lugar na ipinagmamalaki ng bayan ng Surigao dahil ito ay kilala at partikular na tinatangkilik ng mga turistang mahilig mag-surf. 

 Cebu
Ang Cebu ay kilala dahil sa pagkakaroon nito ng mga historical landmark tulad ng mga simbahang katoliko na naitayo noong panahon pa ng mga Espanyol. 


Camiguin
Ang Camiguin ay matatagpuan sa lugar ng Mindanao. Ito ay madalas ring dinarayo ng mga turista dahil sa pagkakaroon nito ng puting buhangin tulad ng Boracay, underground cemetery, at dito rin matatagpuan ang mga masasarap na lanzones. 

Pista sa Pilipinas


Ang Pista sa Pilipinas ay masaya, makulay at kawili-wiling tingnan. Ito’y nakasanayan na ng mga Pinoy sapagkat taon-taon nating ipinagdiriwang ang mga pista sa Pilipinas. May kanya-kanyang pista ang mga tao sa bawat lugar sa Pilipinas na kani-kanilang ipinagdiriwang at talaga namang inaasahan na ito’y magarbo at kung minsa’y dinarayo pa ng mga turista upang makita at makisaya.

Ang ilan sa mga pista na ipinagdiriwang sa ating bansa ay ang mga sumusunod:


Panagbenga Festival in Baguio City - February



Sinulog Festival of Cebu - January


Ati-Atihan Festival in Kalibo, Aklan - January



Pintados de Passi of Passi City, Iloilo - March


Pahiyas Festival of Lucban, Quezon - May 15


Kadayawan Festival of Davao - August

Putaheng Pinoy!

Ang pagkain sa Pilipinas ay sadyang napakasarap. Tulad din ng ibang bansa mayroon din tayong ipinagmamalaking mga pagkain na tayo rin mismo ang nagpasikat at ngayo'y hinahain na rin ng ibang bansa. Ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit nagpupunta ang mga dayuhan sa ating bansa, ito'y upang matikman at malasahan nila ang pagkaing Pinoy.

Ilan sa mga popular na pagkaing Pinoy ay ang adobo, sinigang, kare-kare, dinuguan, litson, menudo, at marami pang iba. 

Adobo

Ito ay isa sa mga paborito at isa sa mga popular na pagkaing Pinoy. Ito ay niluluto sa pamamagitan ng mga sangkap na: baboy o manok, toyo, suka, bawang, pamintang buo at dahon ng laurel. Una, pakuluan ang karne ng baboy o manok na niluto sa toyo, bawang, suka, pamintang buo  at dahon ng laurel. Pakuluan ang karne sa mahinang apoy hanggang sa lumambot ang nasabing karne. Lagyan ng mga gulay tulad ng patatas o kahit ano pa mang sangkap na sa tingin mo'y magiging epektibo sa panlasa ng iyong pagseserban. 

Kare-Kare

Isa rin ang kare-kare sa masasarap na lutuing ulam ng mga Pinoy. Ito'y gawa sa sangkap na tulad ng karne ng baka partikular ang lamang loob nito at iba't ibang uri ng gulay, dinurog na mani o di kaya naman peanut butter, at malagkit na kanin.

Dinuguan

Ang pinaka-kontrobersyal na pagkaing Pinoy. Ito ay may sangkap na dugo at lamang loob ng baboy, berdeng sili, bawang, toyo, suka, asin, pamintang buo, at dahon ng laurel. Maaaring magdagdag pa ng iba't ibang pampalasa upang lalong ssumarap ang nasabing pagkain.

Litson

Ang litson ay madalas na nakahain sa ating mga hapag-kainan kapag mayroong okasyon tulad ng pasko, bagong taon, at kung anu-ano pang mga espesyal na handaang Pinoy. Ang baboy ang siyang pinakasangkap ng litson. Maaari ring gumawa ng sawsawan upang mas maging masarap ang litson. Kung minsa'y nilalagyan pa ng mansanas ang bibig ng litsong baboy. 

Menudo 

Ang pagkaing menudo ay isa ring pagkaing kadalasang hinhanda ng mga Pilipino tuwing may okasyon. Kakaiba ang paraan sa pagluto nito dahil may kasama itong hiniwang atay ng baboy, baboy, sibuyas, kamatis, patatas, karots, pula at berdeng sili at pasas. Ang sawsawan ay pinapalapot ng tomato sauce. Maaari ring magdagdag ng iba pang sangkap upang mas maging malasa ang pagkaing menudo. 

Sinigang

Ang sinigang ay isa rin sa mga masasarap na ulam ng mga Pinoy na may sangkap na karne o isda at iba't ibang gulay na angkop sa sinigang. Maaaring gamitin ang sampalok at kamias o di kaya naman ang mga pampalasang powder na ginagamit na ngayon  bilang pampaasim. Maaari ring gumamit ng iba pang sangkap na angkop sa nilulutong sinigang upang mas maging masarap ang inyong lutuin.

Larong Pinoy, More Fun In The Philippines




Masaya ang maging isang bata, masaya na parang walang problemang iniisip lalo na’t kung ating sasariwain ang ating mga ginagawa nung tayo’y bata pa, isa na riyan ang paglalaro sa mga kalsada kasama ang ating mga kaibigan. Walang ibang hatid ang bawat araw na nagdaraan kundi ngiti sa ating mga labi, tawang tila walang humpay, at kung minsa’y dito natin nakikilala ang ating sarili dahil tulad ng pag-aaral, isa rin itong paraan upang hubugin ang ating pagkatao. 

Ito ang mga tradisyunal na larong pambata na kahit kailanman ay hindi natin makakayanang kalimutan dahil dito nagkakaroon tayo ng tiwala sa ating sarili at dito natin matututunan kung paano makihalubilo sa ating kapwa. Sa Pilipinas lang mayroon niyan . Ang galing talaga ng mga Pinoy!

Tumbang Preso
Simple lamang ang larong ito kailangan ng mga 10 pataas na manlalaro para mas Masaya at kailangan din ng  tsinelas at lata. Mayroong isang taong magiging taya at ang iba pang manlalaro ay nasa base (linya sa lupa na bawal lumagpas) na dapat patumbahin ang lata na gamit ang isang pirasong tsinelas na binabantayan ng taya. Kapag tumumba ang lata kailangan mong bumalik sa base kasama ang iyong tsinelas at siguraduhing hindi ka matataya. Kapag nahawakan mo na ang tsinelas pwede ka ng tayain.Kaya kung ako sa iyo hintayin mo munang  tumumba ang lata bago ka pumunta sa base.

Agawan Panyo
Kailangan ng panyo, chalk at 10 pataas na myembro. Una gumuhit ng bilog sa lupa at lagyan ng numero (ang bilog ay magkakatapat ang bilog na magkatapat ay parehas ng numero). Hatiin ang manlalaro sa 2 grupo . Kailangan umapak sa bilog ang mga manlalaro. May isang maghahawak ng panyo  at siya rin ang magsasabi ng numero. Kapag ang numero na binanggit ay sayo kailangan mong kunin ang panyo siguraduhing hindi ka matataya ng kalaban. Kapag nakuha mo ang panyo kailangan mong bumalik sa bilog para makakuha ng puntos. Ang pinkamaraming nataya at nakakuha ng panyo ay siyang magwawagi.

Agawan Base
Kailangan lamang ng 2 poste at higit kumulang sampung miyembro kada grupo. May dalawang grupo, team  A at team B. kailangan lamang mahawakan ang poste (base) ng kalaban para manalo sa larong ito.Sa larong ito kailangang magbantay ng mabuti ang bawat miyembro sa kanilang poste (base) at kailangan din na habulin ang miyembro ng kabilang grupo na hindi nakahawak sa kanilang poste (base) upang sila'y tayain hanggang sa maubos ang miyembro. Upang tanghalin kung sino sa dalawang grupo ang nagwagi sa naabing laro kailangang mahawakan ng isang miyembro sa isang grupo ang poste (base) ng kanilang kalaban. 

Filipino, Ang Ating Pambansang Wika







Wika

         Sa tingin mo ano ba ang dahilan ng pagkabuklod-buklod at pagkakaisa ng mga mamamayan sa isang bansa? Hindi ito dahil sa kanilang paniniwala at mas lalong hindi sa itsura o kulay. Ang wika ang dahilan nito.Kung susuriin mong mabuti,  ang wika ang dahilan ng pagkakaisa ng isang bansa dahil kapag tayo ay nagkakaunawaan mailalahad natin ang ating saloobin sa isa’t isa.

Kasaysayan ng Ating Wika

         Noong Nobyembre 13, 1936 ang Wikang Tagalog ang naging batayan ng  Wikang Pambansa. Sinasabi ng ilan na ang Wikang Tagalog ay para lamang sa mga Tagalog kaya pinalitan ito noong 1959 na pinalit ang Wikang Pilipino. Sa aking palagay naguluhan ang mga tao, na ang Pilipino ba ay wika o tao kaya muling pinalitan ng Wikang Filipino, ang opisyal na Pambansang Wika.