Masaya ang maging isang bata, masaya na parang walang problemang iniisip lalo na’t kung ating sasariwain ang ating mga ginagawa nung tayo’y bata pa, isa na riyan ang paglalaro sa mga kalsada kasama ang ating mga kaibigan. Walang ibang hatid ang bawat araw na nagdaraan kundi ngiti sa ating mga labi, tawang tila walang humpay, at kung minsa’y dito natin nakikilala ang ating sarili dahil tulad ng pag-aaral, isa rin itong paraan upang hubugin ang ating pagkatao.
Ito ang mga tradisyunal na larong pambata na kahit kailanman ay hindi natin makakayanang kalimutan dahil dito nagkakaroon tayo ng tiwala sa ating sarili at dito natin matututunan kung paano makihalubilo sa ating kapwa. Sa Pilipinas lang mayroon niyan . Ang galing talaga ng mga Pinoy!
Tumbang Preso
Simple lamang ang larong ito kailangan ng mga 10
pataas na manlalaro para mas Masaya at kailangan din ng tsinelas at lata. Mayroong isang taong
magiging taya at ang iba pang manlalaro ay nasa base (linya sa lupa na bawal
lumagpas) na dapat patumbahin ang lata na gamit ang isang pirasong tsinelas na binabantayan
ng taya. Kapag tumumba ang lata kailangan mong bumalik sa base kasama ang iyong
tsinelas at siguraduhing hindi ka matataya. Kapag nahawakan mo na ang tsinelas
pwede ka ng tayain.Kaya kung ako sa iyo hintayin mo munang tumumba ang lata bago ka pumunta sa base.
Agawan Panyo
Kailangan ng panyo, chalk at 10 pataas na myembro. Una
gumuhit ng bilog sa lupa at lagyan ng numero (ang bilog ay magkakatapat ang
bilog na magkatapat ay parehas ng numero). Hatiin ang manlalaro sa 2 grupo .
Kailangan umapak sa bilog ang mga manlalaro. May isang maghahawak ng panyo at siya rin ang magsasabi ng numero. Kapag
ang numero na binanggit ay sayo kailangan mong kunin ang panyo siguraduhing
hindi ka matataya ng kalaban. Kapag nakuha mo ang panyo kailangan mong bumalik sa
bilog para makakuha ng puntos. Ang pinkamaraming nataya at nakakuha ng panyo ay
siyang magwawagi.
Agawan Base
Kailangan lamang ng 2 poste at higit kumulang sampung miyembro kada grupo. May
dalawang grupo, team A at team B.
kailangan lamang mahawakan ang poste (base) ng kalaban para manalo sa larong
ito.Sa larong ito kailangang magbantay ng mabuti ang bawat miyembro sa kanilang poste (base) at kailangan din na habulin ang miyembro ng kabilang grupo na hindi nakahawak sa kanilang poste (base) upang sila'y tayain hanggang sa maubos ang miyembro. Upang tanghalin kung sino sa dalawang grupo ang nagwagi sa naabing laro kailangang mahawakan ng isang miyembro sa isang grupo ang poste (base) ng kanilang kalaban.
No comments:
Post a Comment