Powered By Blogger

Mga Sikat na Destinasyon sa Pilipinas



Ang Pilipinas ay kilala sa pagkakaroon nito ng mga likas na yaman na talaga namang napakaganda at maipagmamalaki sa ibang bansa kung kaya naman maraming dayuhan ang ninanais na magpunta sa Pilipinas. Karamihan din sa mga lugar sa Pilipinas ay naparangalan na o yung masasabi nating may titulo na tulad ng Puerto Princesa Subterranean River National Park na matatagpuan sa Palawan na isa sa mga nabigyan ng titulo noong 2011 na isa sa pito sa pinakamagandang tanawin sa buong mundo. Talaga namang kahanga-hanga ang mapabilang ang Pilipinas sa listahan ng mga naparangalan. 


Ito ang ilan sa mga magagandang tanawin at sikat na destinasyon na makikita sa Pilipinas.

Boracay
Ang Boracay ay kinikilala na ngayon na isa sa mga pinakadinarayong lugar sa bansa ng mga lokal o foreigner. Ito ay matatagpuan sa rehiyon ng Visayas. Ang lugar ay nababalutan ng mga puting buhangin, mabeberdeng puno, at maasul at malinis na dagat. Ito rin ay kilala sa pagkakaroon ng mga disco, bars, at mga larong pantubig. 


Bulkang Pinatubo
Ang Pinatubo ay kilala sa angking ganda nito ngunit ito rin ay nakilala taong 1990s na kung saan ito'y nakapagdala ng higit na purwisyo sa ating bansa dahil na rin sa pagputok ng bulkang ito.

Intramuros
Ang Intramuros ay makikita sa lugar ng Maynila. Ito ay kilala noong panahon pa ng mga Kastila dahil ito ay nagsisilbing landmark ng mga Espanyol. Sa lugar na ito rin makikita ang mga museums kung saan makikita ang iba't ibang gamit o bagay noong 1950s.

Camp John Hay
Itong Camp John Hay ay matatagpuan sa lugar ng Baguio kung saan ay tinaguriang summer capital ng Pilipinas. Itong lugar ay kadalasang pinupuntahan ng mga turista upang mag-golf, camping, at horseback riding. 

Bulkang Apo
Itong Apo ay matatagpuan sa lugar ng Davao at dito rin sa lugar na ito matatagpuan ang ating pambansang ibon na kung saan ay tinaguriang pinakamalaking agila sa buong mundo. 

Palawan
Ang Palawan ay kilala sa pagkakaroon ng mga malalaking kuweba at gubat. Makikita rin ang ganda at kalinisang taglay ng dagat nito kung saan napapaligiran ng mga kuweba at kagubatan.

Dapitan
Itong Dapitan ay matatagpuan sa lugar ng Zamboanga. Ito ay pamilyar sa maraming Filipino sapagkat dito ipiniit ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. 
Ito rin ay kilala sa pagkakaroon ng mga puting buhangin tulad ng Boracay na kung saan ay tinawag na Dakak. 

Surigao
Ang Siargao ay matatagpuan sa lugar ng Surigao. Ito ay isa sa lugar na ipinagmamalaki ng bayan ng Surigao dahil ito ay kilala at partikular na tinatangkilik ng mga turistang mahilig mag-surf. 

 Cebu
Ang Cebu ay kilala dahil sa pagkakaroon nito ng mga historical landmark tulad ng mga simbahang katoliko na naitayo noong panahon pa ng mga Espanyol. 


Camiguin
Ang Camiguin ay matatagpuan sa lugar ng Mindanao. Ito ay madalas ring dinarayo ng mga turista dahil sa pagkakaroon nito ng puting buhangin tulad ng Boracay, underground cemetery, at dito rin matatagpuan ang mga masasarap na lanzones. 

1 comment:

  1. Philippines is indeed a very interesting place to explore!!!Sakit.info

    ReplyDelete