Ilan sa mga popular na pagkaing Pinoy ay ang adobo, sinigang,
kare-kare,
dinuguan, litson, menudo, at marami pang iba.
Adobo
Ito ay isa sa mga paborito at isa sa mga popular na pagkaing Pinoy. Ito ay niluluto sa pamamagitan ng mga sangkap na: baboy o manok, toyo, suka, bawang, pamintang buo at dahon ng laurel. Una, pakuluan ang karne ng baboy o manok na niluto sa toyo, bawang, suka, pamintang buo at dahon ng laurel. Pakuluan ang karne sa mahinang apoy hanggang sa lumambot ang nasabing karne. Lagyan ng mga gulay tulad ng patatas o kahit ano pa mang sangkap na sa tingin mo'y magiging epektibo sa panlasa ng iyong pagseserban.
Kare-Kare
Isa rin ang kare-kare sa masasarap na lutuing ulam ng mga Pinoy. Ito'y gawa sa sangkap na tulad ng karne ng baka partikular ang lamang loob nito at iba't ibang uri ng gulay, dinurog na mani o di kaya naman peanut butter, at malagkit na kanin.
Dinuguan
Ang pinaka-kontrobersyal na pagkaing Pinoy. Ito ay may sangkap na dugo at lamang loob ng baboy, berdeng sili, bawang, toyo, suka, asin, pamintang buo, at dahon ng laurel. Maaaring magdagdag pa ng iba't ibang pampalasa upang lalong ssumarap ang nasabing pagkain.
Litson
Ang litson ay madalas na nakahain sa ating mga hapag-kainan kapag mayroong okasyon tulad ng pasko, bagong taon, at kung anu-ano pang mga espesyal na handaang Pinoy. Ang baboy ang siyang pinakasangkap ng litson. Maaari ring gumawa ng sawsawan upang mas maging masarap ang litson. Kung minsa'y nilalagyan pa ng mansanas ang bibig ng litsong baboy.
Menudo
Ang pagkaing menudo ay isa ring pagkaing kadalasang hinhanda ng mga Pilipino tuwing may okasyon. Kakaiba ang paraan sa pagluto nito dahil may kasama itong hiniwang atay ng baboy, baboy, sibuyas, kamatis, patatas, karots, pula at berdeng sili at pasas. Ang sawsawan ay pinapalapot ng tomato sauce. Maaari ring magdagdag ng iba pang sangkap upang mas maging malasa ang pagkaing menudo.
Sinigang
Ang sinigang ay isa rin sa mga masasarap na ulam ng mga Pinoy na may sangkap na karne o isda at iba't ibang gulay na angkop sa sinigang. Maaaring gamitin ang sampalok at kamias o di kaya naman ang mga pampalasang powder na ginagamit na ngayon
bilang pampaasim. Maaari ring gumamit ng iba pang sangkap na angkop sa nilulutong sinigang upang mas maging masarap ang inyong lutuin.
No comments:
Post a Comment